<4:59>
18.Sabi Ko ng Nga sa Iyo
TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Napaalis na si Marcos. Sa isang inumang mala-Trellis, magkasama si Lean at Lidy. Sa ibang mesa naroon naman sina Jojo at Edward.
LEAN
Napakagara ng aking daigdig
Sala sa init at sa lamig
Napakahusay ng aking misyon
Sala sa wala, sala sa meron
Napakaraming matalino
Dito sa ibabaw ng mundo
Isang mali mo lang
Puputaktehin ka ng
‘Sabi ko na nga sa iyo’
Interlude
LEAN
Sayang at tayo’y nawala roon
Sayang ang pagkakataon
Isang mali mo lang puputaktehin ka ng
Sabi ko na nga sa iyo
EDWARD
Di ka kasi nakiisa sa amin
Di mo kasi kami pinapansin
JOJO
Kung nakinig ka lang
Di ka makakarinig ng
Sabi ko na nga sa iyo
LIDY
Napakaraming matalino
Dito sa ibabaw ng mundo
Kaydaling manisi
Kaydaling magsabi
Ng sabi ko na nga sa iyo
Interlude
LEAN
Bakit kasi di natin sinamahan
Ang taongbayang pinaglilingkuran
JOJO
Kung nakinig ka lang
Di ka makakarinig ng
Sabi ko na nga sa iyo
EDWARD
Kaysarap manisi
Kaysarap magsabi
Ng sabi ko na nga
Sabi ko na nga
Sabi ko na nga sa iyo
LEAN
Ngunit ganun pa man
Di pa tapos ang labanan
Yan ang sabi ko
Yan ang sabi ko
Sinasabi ko sa inyo