<4:17>

16.Kasal

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Kasal ni Lidy at Lean. Datingan ang mga tao. Darating si Ka Tanny.

 

LEAN

Buti nama’t kahit papano di nyo binoykot ang kasal ko!

 

KA TANNY

Ang sabi ng iba'y sa ating pagtitipon
Ang ganitong bagay wala sa panahon
Ang sabi ko nama’y malayo ma’t malaon
Mithi na tagumpay, kasama ang ngayon

 

CROWD

Sa gitna ng agam-agam, sa piling ng pangangamba
Kakambal ng kasaysayan itong ating pagsinta
Ang pagsubok at panganib, ang panahon na ligalig
Ang siyang magpapanday sa ating panata’t pag-ibig

 

Bridal march.

 

LIDY

Ako ay lupa at ikaw ay dagat
Ang alon mo’t ugma, sagana ko’t salat
LEAN

Tayo’y mga ilog, sa pakikibaka galing
At ang magbubuklod pakikibaka rin

 

BOTH

O, sa paglalakbay

Sana tayo ay

Tatandang sabay

 

Interlude

 

CROWD

Sa gitna ng katanungan, kung wasto at kung mali
Laging may maaasahan, laging may katunggali
ALL

Kung paano magsasanib ang dalawa nating daigdig
Ang siyang magpapanday sa ating panata’t pag-ibig

 

Interlude

 

LEAN/LIDY
Ang mga tula at himig ng minimithi nating daigdig
Ang siyang magpapanday sa ating panata’t pag-ibig

 

CHINO

Mabuhay ang bagong kasal!
CROWD

Mabuhay!

 

Palakpakan.

 

BOBBY

Saan ang honeymoon?
CHINO

Sama ako!