<3:51>

14.Inang Bayan

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

NANAY

Nasa ibang bansa ang kayod ng tatay
Habang tumatanda na ang iyong nanay
Ikaw ang tumayong ama na panganay
Tulungan mo akong mangasiwa ng bahay

 

LEAN

Kami ngayo’y di na sana maggaganito
Kung kayo’y kumilos na nuong panahon nyo
Ito’y ginagawa ko para sa inyong apo
Diyan ka na Nanay, may miting pa ako, Baboo!

 

Hahalikan ni Lean ang ina sabay sibad paalis.

 

NANAY

Ang iyong mga ama at ina’y nalalagas
At nababalisa ang iyong mga anak
Sanlaksa at isang hirap ang dinadanas
Sa pagkakadarang, sa pagkakasadlak

 

Inang Bayan, Inang Bayan, alang-alang sa iyo
Inang Bayan, Inang Bayan, kupkupin ang anak ko

 

Hanggang saan hahantong, hanggang san matatapos
Ang pandadarambong at pandadarahas
Sa sidhi, sa lubha ng iyong pagkakagapos
Tunay na paglaya, ano ang katumbas

 

Si Lean, sa isang dako.

 

LEAN

Inang Bayan, Inang Bayan, alang-alang sa iyo
Inang Bayan, Inang Bayan, kupkupin ang ina ko

 

Interlude

 

NANAY

Inang Bayan, Inang Bayan, alang-alang sa iyo
Inang Bayan, Inang Bayan, kupkupin ang anak ko