<2:49>

10.Sangandaan

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

EDWARD

Hindi mo ba napapansin, Ka Noli
Ibang-iba itong mga nangyayari
NOLI

Kung ‘people power’ ang iyong sinasabi
Ka Edward, huwag kang magkakamali

 

EDWARD

Ang nakikita ko ay nakikita mo
Nag-aalsa ang karaniwang tao
NOLI

Ang nakikita ko ay nakikita mo
Kamay at pera ng pulitiko

 

EDWARD

Ang sinasabi ko lang, ang ayoko lang naman
Tayo’y maiwan ng kasaysayan
NOLI

Ang sinasabi ko lang, ang ayoko lang naman
Tayo’y malansi at malinlang

 

EDWARD

Huwag kang maging bingi, huwag kang maging bulag
Nagkakaisa ang masang Pilipino
NOLI

Huwag kang maging bingi, huwag kang maging bulag
Sino ba’ng may pakana nito

 

EDWARD

Ang sinasabi ko lang, ang ayoko lang naman
Tayo’y maiwan ng kasaysayan
NOLI

Ang sinasabi ko lang, ang ayoko lang naman
Tayo’y malansi at malinlang

 

Lalo pang iinit ang diskusyon.

 

EDWARD/NOLI

Ang nakikita ko ay nakikita mo
EDWARD

Nagkakaisa ang masang Pilipino
NOLI (counterpoint)

Kamay at pera ng pulitiko

 

EDWARD

Huwag kang maging bingi
NOLI

Huwag kang maging bulag
EDWARD

Nag-aalsa ang masang Pilipino
NOLI (counterpoint)

Sino ba’ng may pakana nito

 

EDWARD

Ang masa ang lumilikha ng kasaysayan
NOLI

Ang masa rito’y ginagamit lang

 

EDWARD

Damhin mo ang pulso ng mamamayan
NOLI

Damhin mo ang pulso ng mayayaman

 

EDWARD

Ang masa ang lumilikha ng kasaysayan
NOLI

Ang masa rito’y ginagamit lang

 

EDWARD

Damhin mo ang pulso ng mamamayan
NOLI

Damhin mo ang pulso ng mayayaman

 

EDWARD

Ang sinasabi ko lang

BOTH

Ang ayoko lang naman
Sa huli tayo pa ang maglabanan