<7:28>

09.May Araw Rin Kayo~Yellow Fever

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Lulubog-lilitaw ang mga aktibistang may ASSO sa mga pulong-pulong at rally ng mga aktibista habang hinahabol sila ng mga sundalo. Hindi sila mahuli-huli dahil tinutulungang ipuslit ng mga tao. Habang nagsasalasalabat ang mga landas ng mga dilawan, pulahan at Marcos loyalists, si Lean ay unti-unting masasangkot sa national politics at siya’y hahangaan ng mga mas nakatatandang personahe.

 

MR. TIM (as General)

Kapag hindi kayo sumuko

Lalo kayong mapapasubo
Baka tuluyan na kayong di matunton
Kahit saan kayo magtago

Kung may ulo ay may pako
Baka tuluyan na kayong maibaon

 

JOJO

May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo
MR. TIM

May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo

 

Sa ibang dako ng tanghalan.. Binaril si Ninoy sa Manila International Airport. Away-away ang mga dilawan at mga loyalists.

 

CORY

Omuover na sila, sumusover talaga
Si Ninoy ay pinaslang, kay Galman ibinintang
Tayo ay lumaban na, basta huwag lang bloody ha
Give me five, apir, align! Ang sigaw Marcos Resign!

 

YELLOWISTS

Tayo na, samasamang
Magprotesta, magsuot ng

 

Yellowng T-shirts, yellowng stockings
Ternong-terno, in na in
Yellowng medyas, yellowng ngipin
Sosyng sosy ang dating

 

MR. TIM

No way baby, no way honey
JOJO

Red and blue until the end
MR. TIM

Bos Tsip Amo
JOJO

Long Live Apo!
MR. TIM

KBL!
JOJO

Marcos pa rin!

 

Ad lib

 

Balik sa unang eksena.

 

EDWARD

Kayong naghahari-harian

Tau-tauhang kasangkapan
Mga sundalo at pulis na bayaran
NOLI

Mga tutang mukhang pera

Ang kakapal ng inyong kara
Mamamaya’y ginagawa nyong gatasan

 

ACTIVISTS

May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo
May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo

 

Ad lib

 

MR. TIM (as General)

Manmanan ninyo ang rally

Markahan ang sumasali
Dakipin, sampahan ng Sedisyon

JOJO (as militar)

Mangdampot kayo ng kuyog

Palutangin nyo sa ilog
Komunista’y turuan ng leksyon

 

MR. TIM

May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo
ALL

May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo

 

Balik sa eksenang yellowists at loyalists.

 

MR. TIM

No awan ni Ferdinand, communism met laang
JOJO

No awan ni First Lady, awanin ti CCP
CORY

Ja-ja-justice for Ninoy, humanda ka na Macoy
Ninoy says that da Pinoy is worth dying for Manoy

 

YELLOWISTS

Ninoy, di ka nag-iisa
Dumarami sa bangketa

 

Yellowng visor, yellowng kyutiks
Bracelets, buttons at keychain
Yellowng eyelash, yellowng lip stick
Hoy, mag yellow ka na rin

 

MR. TIM

No way sweetheart, no way darling
JOJO

We will rock you till the end
MR. TIM / JOJO

Long live FL! Long live FM!
Praise the Lord, Marcos pa rin!

 

Lilitaw-lulubog na galing kung saan-saan sina Lean, Lidy at Bobby. Hahalo sa mga aktibista.

 

LEAN

Mga gunggong at abusado
Galing sa tao ang inyong sweldo
Dapat ang tao ang inyong pagsilbihan
Mga peste, mga salot
Kayo ang dapat na matakot
Pagdating ng panahon ng bayaran

 

ACTIVISTS

May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo
May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo

 

Magsasabay ang dalawang kanta.

 

YELLOWISTS / LOYALISTS

Ninoy! NInoy! / Ferdie! Ferdie!
ACTIVISTS (Counterpoint)

May araw rin kayo, may araw rin kayo


YELLOWISTS / LOYALISTS

For the people, for the country
ACTIVISTS (Counterpoint)

May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo

 

YELLOWISTS / LOYALISTS

Cory! Cory! / Meldy! Meldy!
ACTIVISTS (Counterpoint)

May araw rin kayo, may araw rin kayo


YELLOWISTS /LOYALISTS

O, say, can you see
ACTIVISTS (Counterpoint)

May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo

 

VENDORS

Hotdog! Kendi! Dyaryo! Yosi!
Sopdrinks! Pisbol kayo riyan!
Araw-araw sana rally
Para may mabentahan

 

JOJO

Sorry, nakapuslit boss!

MR. TIM

Sinverguenza! Manghuli kayo!
Kahit sino, kahit ilan, basta mayron!

 

KORO

Lean, Lean, Lean
Sa pambansang pamayanan
Ikaw ngayo’y naririyan
Lean, Lean, Lean