<3:26>
08.Tayo ay Naririto
TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Magsisipagpahinga ang ibang kasama at maiiwan si Lean at si Bobby na nagdidiskusyon.
BOBBY
Tayo ay naririto
Pinagkaisa ng pagkakaisa
Ngunit tingin ko sa iyo
Ay para bang ibig mong maiba
Pinagtitibay ng maraming bagay
Ngunit ang buhay ng ating kilusan
Ay isang diwa, iisang wika
Iisang kultura at idolohiya
Isa at iisang pulitika
LEAN
Tayo ay naririto
Upang hasain ang kaisipan
At ang mali at wasto
Ay patunayan ng karanasan
Pinagtitibay ng maraming bagay
Ngunit ang buhay ng ating kilusan
Ay pagkatuto ng bawat tao
Kung bakit at paano
Gagap ang puno’t dulo
At kumbinsido ng buong-buo
BOBBY
Tayo ay sambahayan
Mayrong sahig, may dingding at atip
LEAN
Tayo ay isang samahan
Hayaan nating lahat mag-isip
BOTH
Pinagtitibay ng maraming bagay
Ngunit ang buhay ng ating kilusan
BOBBY
Ay tamang linya
LEAN
Wastong ideya
BOBBY
Sentralismo at gabay
LEAN
Dinamismo na buhay
BOTH
Ang daan tungo sa tagumpay
BOBBY
Magsimula tayo sa kilusan
LEAN
Kanikaniya tayong pinagmulan
BOBBY
Pagpapasya ay nasa kilusan
LEAN
Mayrong kanikaniyang kapasyahan
BOBBY
Alang-alang sa sambayanan
LEAN
Alang-alang sa sambayanan
Iinit pa ang diskusyon.
BOBBY
Magsimula tayo sa kilusan
LEAN
Kanikaniya tayong kakanyahan
BOBBY
Pagpapasya ay nasa kilusan
LEAN
Mayrong kanikaniyang kapasyahan
BOTH
Alang-alang sa sambayanan
CHINO
Kung ayaw nyong matulog
Kayo ay magpatulog
Alang-alang sa sambayanan
Makukubkob ng mga militar ang tagpuan. Papasukin nina Mr. Tim at Jojo (anyong sundalo) ang bahay pero wala silang maaabutan liban sa ilang mga polyeto at babasahin. Didilim ang eksena at maririnig ang mahihinang mga boses nina Chino at Bobby.
CHINO
Ang ingay nyo kasi
BOBBY
Tutulog-tulog ka kasi