<3:09>
06.Panata't Pag-ibig
TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Sa isang tambayan ng mga aktibista. Nagkataong walang ibang tao.
LEAN Ano na ba pangalan mo ngayon?
LIDY Lidy pa rin.
LEAN Di ba ikaw yung nadapa?
LIDY Ikaw ba yun? Salamat ha..
LEAN Hindi, hindi ako yun..
LEAN
Ang ating pagsinta’y wala sa kalawakan
Ako ay di araw, ikaw ay di ang buwan
Ang ating pag-ibig wala sa alapaap
Di sa himpapawid at mga ulap
Sa gitna ng agam-agam, sa piling ng pangangamba
Kakambal ng kasaysayan itong ating pagsinta
Ang pagsubok at panganib, ang panahon na ligalig
Ang siyang magpapanday sa ating panata’t pag-ibig
LIDY
Ikaw ay apoy at ako ay hangin
Alab at lamig sa liwanag at dilim
LEAN
Tayo’y mga punong matayog ang pangarap
Ngunit sa lupa’y laging nakaugat
BOTH
O, pawis at dugo
Ang magpapalago
Sa ating pagsuyo
Interlude
LIDY
Sa gitna ng agam-agam, sa piling ng pangangamba
Kakambal ng kasaysayan itong ating pagsinta
Ang pagsubok at panganib, ang panahon na ligalig
Ang siyang magpapanday sa ating panata’t pag-ibig
Interlude
BOTH
Kung paano magsasanib ang dalawa nating daigdig
Ang siyang magpapanday sa ating panata’t pag-ibig