<3:39>
05.Kung Hindi Ngayon
TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Magiging rally sa loob ng UP ang eksena.
LEAN
Kung hindi tayo kikilos
Sino pa ang kikilos
Ano pa ang ating hinihintay?
Kung di ka ngayon lalaban
Kailan ka pa lalaban
Kung malapit ka nang mamatay?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
STUDENTS
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
EDWARD
Matrikula’y nagtataasan
Paarala’y binubusalan
Niyuyurakan ang ating karapatan
Kinukulong nang walang hatol
Pinapatay ang tumututol
Sa makadayuhang pamahalaan
Magmamartsa ang mga estudyante patungong Mendiola.
STUDENTS
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Ad lib
MR. TIM (as General)
Nalalason ang isipan
Ng maraming kabataan
Ito’y dapat kaagad ay sugpuin
Kamandag ng komunista
Patayin hangga’t maaga
Ngayon na, ngayon na, ngayon din!
JOJO
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
MR. TIM (as General)
Kayong hilaw na aktibista
Mabuti pa’y magsiuwi na
Habang ako ay nakapagtitimpi
LEAN
Umpisahan n’yo nang masanay,
Hangga’t walang hustisyang tunay
Ay babalik at babalik kami
ALL
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
EDWARD
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
ALL
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Idi disperse ng militar ang rally. Magkakagulo. Isang babae ang madadaganan ng ilan. Si Lidy. Mapapansin ito ni Lean at kanyang tutulungan.