<3:50>

03.Burgis

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Iba’t ibang grupo ng mga estudyante sa UP.

 

JOJO

Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan

Ano ba ang kahulugan

 

MR. TIM (as teacher)

Di ba’t ang buhay ay bugtong
Hiwagang mahiwaga
LEAN

Bakit ka pa magtatanong
Kung sagot ay wala

 

STUDENTS

Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan

 

CHINO

Di ba’t ang buhay ay dula
Ang mundo’y entablado
LEAN

Kung gayo’y sino’ng may gawa
At may-akda nito

 

LIDY

Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan

 

JOJO (as born again)

Haleluya!

Ang kaligtasan natin ay
Sa langit, di sa lupa
LIDY

Di ba’t ang ating sinasamba’y
Sa lupa bumaba

 

NOLI

Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan

 

JOJO

Ako ang sarili kong gabay
Kanya-kanyang tadhana
LEAN

Mas maigi pa ang bangkay
Sa lupa’y pataba

 

Sasama si Noli kay Edward.

 

CHINO (as grad student)

Di ba’t tayo’y mga daga
Na nagpapaligsahan
LEAN

Kaya ng nangangamoy lungga
Itong pamantasan

 

FRATMEN

Magaling, mahuhusay at sikat
That’s why we are in UP
BOBBY

Mga samahang hindi mulat
Sa masa’y walang silbi

 

STUDENTS

Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan

 

LEAN

Ganyan ang utak ng sanay
Sa komportableng buhay
Doon sa mundo ng mga gutom
Doon tayo magdiskusyon!

 

CHINO

Naku, nagalit na si Chairman