<3:15>
02.Iskolar ng Bayan
TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
UP campus. May nagkaklase, kumakain sa canteen, nagde date sa Sunken Garden, nagre review, mga sosyal na nagkukwentuhan sa parking lot, etc. Si Lean nakikipaglaro ng chess kay Chino. Lalapit sa mga ito ang mga estudyanteng nagpapamudmod ng Collegian.
BOBBY
Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral
Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
Huwag magpakababaw sa mga burgis na asal
O pakadungo sa pansariling ambisyon
Makatatanggap si Lean ng kopya. Babasahin niya ito habang naglalaro ng chess na hindi nakatingin sa board.
STUDENTS
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
LEAN
Itong mga ito ay masyadong pulitikal
Mga lengguwahe nyo ay sobra-sobrang radikal
Ako’y magsusulat upang itong peryodikal
Mapapakinabangan ng mga mag-aaral
Interlude
EDWARD
Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral
Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
Suriin nyo’ suriin nyo ang tunay na larawan
At ihayag ang kalagayan ng ating lipunan
CHINO/EDWARD
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
Makikitang nagre research at nagmamakinilya si Lean. Tapos sasama siya sa pangkat ng mga taga Kule.
LEAN
Hawak lang ng iilan ang ekonomiya
Hawak ng dayuhan ang ating pulitika
Ang ating kultura ay sa interes nila
Ang ating kaisipa’y nababaog pala
MR. TIM
Huwag nating hayaang magparami pa sila
Jojo, dito kay Lean ako ay may kaba
JOJO
Han’yo Mr. Tim, huwag kayong mag-alala
Manmanan natin ang bawat kilos nila
LEAN
Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral
Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
LEAN/EDWARD
Basahin nyo, basahin nyo upang inyong malaman
At upang ipaalam nyo rin sa taumbayan
STUDENTS
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
EDWARD
Iskolar ng bayan
BOBBY
Iskolar ng bayan
JOJO
Singkolar ng bayan
MR. TIM
Iskolar na ba yan??
STUDENTS
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
CHINO
Ows..