<3:49>

15.Boykot

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

MR. TIM (as Marcos, 1986 Snap Elections)

Buhay ang demokrasya sa aking administrasyon
Kaya kung kayo ay seryoso ngang naghahamon
Hayaan nating taumbayan ang magdesisyon
Ba’t di natin daanin sa mapayapang eleksyon

 

BOYCOTTERS

Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot, boykot kami

 

LIDY

Kailangan lang ni Marcos na maipapakita
Sa kanyang mga panginoong banyaga
Na lehitimo ang kanyang pamamahala
Sa isang halalang madugo’t madaya

 

BOBBY

Rebolusyon, hindi eleksyon
Ang tamang tugon sa krisis ngayon
Hindi eleksyon, hindi eleksyon
Ang magsusulong ng rebolusyon

 

BOYCOTTERS

Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot, boykot kami

 

KA TANNY

Ngunit kung ang masa ay kampi kay Cory
Lalong mandadaya pa ang presidente
Ito’y mailalantad pa nating mas maigi
Kung sa snap elections tayo ay sasali

 

EDWARD

Ang atensyon ng masa ngayon
Ay nakatuon sa eleksyon
Partisipasyon, partisipasyon
Ay makakatulong sa rebolusyon

 

NOLI

Rebolusyon, hindi eleksyon
Ang tamang tugon sa krisis ngayon
Hindi eleksyon, hindi eleksyon
Ang magsusulong ng rebolusyon

 

Interlude

 

LEAN

Dapat lang igalang ang pagkakaiba
Ngunit kailangan ng pagkakaisa
Kung mali o tama man ang ating pasya
Lulubog lulutang na magkakasama

 

BOYCOTTERS

Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot, boykot kami

 

KA TANNY

Lean, Lean, Lean, Lean
Ako’y para mo nang magulang
Kahit sa mura mong gulang
Lagi kitang pinakikinggan

 

Ngunit sa pagkakataong ito
Ipagpaumanhin ninyo muna ako
Sa halalan ako’y susuporta
Mayanig lamang ang diktadura

 

Magtatalo ang boycotters at electoral advocates. Si Chino ay mafi-flip habang siya’y ginawang parang tali ng tug-of-war na hinahatak ng magkabilang grupo.

 

EDWARD

Partisipasyong walang ilusyon
BOYCOTTERS

Rebolusyon, hindi eleksyon
EDWARD

Walang ilusyong partisipasyon
BOYCOTTERS

Tanging solusyon ay rebolusyon

 

Lalabas si Ka Tanny na may konting lungkot. May ilan ding aalis at maiiwan ang karamihan.

 

BOYCOTTERS

Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot kami
Boykot, boykot, boykot, boykot kami

 

CHINO

Hmm.. I’ll keep my options open.