<3:31>

13.Makibaka, Huwag Matakot

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Mailalathalang ni release si Lean dahil sa kakulangan ng ebidensya. Masaya ang mga aktibista. Isang multi-sectoral rally ang magaganap.

 

LEAN

Sa mga manggagawa at magsasaka
Tayo’y sumama at makiisa
Sa kanayunan at kalunsuran
Isulong ang kilusang bayan

 

ALL

Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

 

CHANT

Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!
Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!
Tibayan ang hanay, gapiin ang kaaway!
Tibayan ang hanay, gapiin ang kaaway!

 

ALL

Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

 

KA TANNY

Sa kahirapan ang ating tugon
Ay makabayang industrialisasyon
LIDY & CO.

Lupang sakahan sa masa’y ilaan
Isulong ang kilusang bayan

 

ALL

Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

 

CHANT

Base militar - Lansagin! Lansagin!
Political detainees - Palayain!
Plantang nukleyar - Salot! Salot! Kasalutsalutan!

 

ALL

Sumama na kayo

Sumama na kayo

Sumama na kayo
(Counterpoint)

Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

 

BOBBY

Pambansang demokrasya’y ating pandayin
At lansagin ang pasistang rehimen
Sa proletaryadong kamalayan
Isulong ang digmang bayan

 

ALL

Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

 

LEAN

Bayan, bayan, bayan ko

CROWD

Di pa tapos ang laban mo
NOLI

Rebolusyon, rebolusyon

CROWD

Isulong mo, isulong mo

 

CHANTS

Uring manggagawa - Hukbong mapagpalaya
Tunay, palaban, makabayan!
Marcos, Hitler, Diktador, Tuta
Diktadurang US-Marcos - Lansagin! Lansagin!

 

ALL

Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

 

Imperyalismo - Ibagsak!
Pyudalismo - Ibagsak!
Burukrata-Kapitalismo - Ibagsak!

 

ALL

Sumama na kayo

Sumama na kayo

Sumama na kayo

Sumama na kayo

(Counterpoint)
Makibaka, huwag matakot

Makibaka, huwag matakot

 

CHINO

Huwag kayong aalis, babalik kami
Mas marami, may dalang bato

 

ALL

We will, we will rock you!