<3:09>

12.Dito

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Makatatanggap si Lean ng sulat galing sa tatay niyang nasa Middle East. Habang ‘kinakausap’ siya ng tatay niya, dadating si Lidy na dumadalaw.

 

TATAY

Dito sa buhay na pansamantala
Ang ating buhay singselan ng bula
Sana’y matagpuan, sana’y masumpungan
At marating mo ang dako mong takda

 

Alalahaning ang mga aba
Tulad din nating laman at kaluluwa
Kung nagugutom, ganun din ang iba
Kaya isapusong ikaw ay sila

 

LEAN

Dito ako may kapayapaan
Dito ang buhay ko’y may katuturan
Dito sa piling ng aking bayan
Kapwa’y paglilingkuran

 

TATAY

Dito sa buhay ng mga mortal
Paninindiga’y yaman at dangal
At ang mahalaga’y tayo’y mapalagay
Laging mapagbigay at mapagmahal

 

LIDY

Alalahaning balang araw
Ang mga mithiin ay matatanaw
Di ka nag-iisa sa pamamanglaw
Tayo ay sila, ako ay ikaw

 

LEAN/LIDY

Dito ako may kapayapaan
Dito ang buhay ko’y may katuturan
Dito sa piling ng aking bayan
Kapwa’y paglilingkuran

 

LEAN

Dito sa bingit ng kasaysayan
Dito ako nakalaan