|
<4:02> 11.Huli Ka
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Magpapasukan sa compound kung saan may pulong sina Lean at mga kabataang galing sa kadi disperse na rally at hinahabol ng mga sundalo.
LEAN
Sila’y nasa loob na ng tahimik na lugar
MR. TIM (as General)
Teritoryo ng militar, walang poder poder
JOJO/SOLDIERS
Huli ka, huli ka, yari kang bata ka
LEAN
Lintek na Diktadurya, di ko inaakala
MR. TIM/SOLDIERS
Huli ka, huli ka, yari kang bata ka
NOLI
Teka muna, pare, this is arbitrary
MR. TIM Isa ka pa! Isama nyo itong isang ito!
JOJO/SOLDIERS
Huli ka, huli ka, yari kang bata ka
Ad lib
Sa detention center. Makikita ang mga malubhang kalagayan ng mga selda at ang kalupitan ng mga gwardya sa mga detenido. May mga mukhang na torture, nangangayayat sa sakit at gutom. Si Lean naman ay maraming paperwork. Dadalawin ni Bobby sina Lean at Noli.
BOBBY
Ito’y digmaan ng sikolohiya
Akala ko’y makakapagpahinga
MGA GWARDYA
Huli ka, huli ka, yari kang bata ka
Interlude
Dadalhin si Lean at Noli sa korte. Hearing.
MR. TIM (as Judge)
Nasaan na ang ibang mga testigo?
Ho? Nakalimutan daw po ang abiso
Nasaan ang affidavit mo? Naiwanan po sa bahay ko
ACTIVISTS
Huli ka, huli ka, yari kang bata ka
JOJO
Sinabi nang tahasan nila doon sa rally
Ako’y may karamdaman nung araw na nasabi Ako’y nasa abroad nung panahong yun
Mapapahiya si Jojo.
ACTIVISTS
Huli ka, huli ka, yari kang bata ka
Magagalit si Mr. Tim kay Jojo at sa mga sundalo. Medyo magtatampo si Jojo kay Mr. Tim. |