|
<7:28> 09.May Araw Rin Kayo~Yellow Fever
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Lulubog-lilitaw ang mga aktibistang may ASSO sa mga pulong-pulong at rally ng mga aktibista habang hinahabol sila ng mga sundalo. Hindi sila mahuli-huli dahil tinutulungang ipuslit ng mga tao. Habang nagsasalasalabat ang mga landas ng mga dilawan, pulahan at Marcos loyalists, si Lean ay unti-unting masasangkot sa national politics at siya’y hahangaan ng mga mas nakatatandang personahe.
MR. TIM (as General) Kapag hindi kayo sumuko
Lalo kayong mapapasubo
Kung may ulo ay may pako
JOJO
May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin kayo, may araw rin kayo
Sa ibang dako ng tanghalan.. Binaril si Ninoy sa Manila International Airport. Away-away ang mga dilawan at mga loyalists.
CORY
Omuover na sila, sumusover talaga
YELLOWISTS
Tayo na, samasamang
Yellowng T-shirts, yellowng stockings
MR. TIM
No way baby, no way honey
Red and blue until the end
Bos Tsip Amo
Long Live Apo!
KBL! Marcos pa rin!
Ad lib
Balik sa unang eksena.
EDWARD Kayong naghahari-harian
Tau-tauhang kasangkapan Mga tutang mukhang pera
Ang kakapal ng inyong kara
ACTIVISTS
May araw rin kayo, may araw rin kayo
Ad lib
MR. TIM (as General) Manmanan ninyo ang rally
Markahan ang sumasali JOJO (as militar) Mangdampot kayo ng kuyog
Palutangin nyo sa ilog
MR. TIM
May araw rin kayo, may araw rin kayo
May araw rin kayo, may araw rin kayo
Balik sa eksenang yellowists at loyalists.
MR. TIM
No awan ni Ferdinand, communism met laang
No awan ni First Lady, awanin ti CCP
Ja-ja-justice for Ninoy, humanda ka na Macoy
YELLOWISTS
Ninoy, di ka nag-iisa
Yellowng visor, yellowng kyutiks
MR. TIM
No way sweetheart, no way darling
We will rock you till the end
Long live FL! Long live FM!
Lilitaw-lulubog na galing kung saan-saan sina Lean, Lidy at Bobby. Hahalo sa mga aktibista.
LEAN
Mga gunggong at abusado
ACTIVISTS
May araw rin kayo, may araw rin kayo
Magsasabay ang dalawang kanta.
YELLOWISTS / LOYALISTS
Ninoy! NInoy! / Ferdie! Ferdie! May araw rin kayo, may araw rin kayo
For the people, for the country May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo
YELLOWISTS / LOYALISTS
Cory! Cory! / Meldy! Meldy! May araw rin kayo, may araw rin kayo
O, say, can you see May araw rin, may araw rin, may araw rin kayo
VENDORS
Hotdog! Kendi! Dyaryo! Yosi!
JOJO Sorry, nakapuslit boss! MR. TIM
Sinverguenza! Manghuli kayo!
KORO
Lean, Lean, Lean |