|
<3:26> 08.Tayo ay Naririto
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Magsisipagpahinga ang ibang kasama at maiiwan si Lean at si Bobby na nagdidiskusyon.
BOBBY Tayo ay naririto
Pinagkaisa ng pagkakaisa Ay para bang ibig mong maiba
Pinagtitibay ng maraming bagay
LEAN Tayo ay naririto
Upang hasain ang kaisipan Ay patunayan ng karanasan
Pinagtitibay ng maraming bagay
BOBBY
Tayo ay sambahayan
Tayo ay isang samahan
BOTH
Pinagtitibay ng maraming bagay
BOBBY
Ay tamang linya
Wastong ideya
Sentralismo at gabay
Dinamismo na buhay Ang daan tungo sa tagumpay
BOBBY
Magsimula tayo sa kilusan
Kanikaniya tayong pinagmulan
Pagpapasya ay nasa kilusan
Mayrong kanikaniyang kapasyahan
Alang-alang sa sambayanan Alang-alang sa sambayanan
Iinit pa ang diskusyon.
BOBBY
Magsimula tayo sa kilusan
Kanikaniya tayong kakanyahan
Pagpapasya ay nasa kilusan
Mayrong kanikaniyang kapasyahan Alang-alang sa sambayanan
CHINO
Kung ayaw nyong matulog
Makukubkob ng mga militar ang tagpuan. Papasukin nina Mr. Tim at Jojo (anyong sundalo) ang bahay pero wala silang maaabutan liban sa ilang mga polyeto at babasahin. Didilim ang eksena at maririnig ang mahihinang mga boses nina Chino at Bobby.
CHINO
Ang ingay nyo kasi Tutulog-tulog ka kasi |