|
<3:20> Huling Hiling
Kung ika'y lilisan giliw ko Tanging pakiusap ko sa iyo Ay ipagpaliban at ako'y hayaang Sumaya man lamang sa pasko
Kung ako'y iiwan giliw ko Ang huling hiling ko lang sa iyo Ay isang alaala na tayo'y maligaya Sa huling paskong kapiling ka
Kahit papano ay mangangarap At mananabik Ng isang regalo, isang yakap At isang halik
Alang-alang sa ating kahapon Hintayin mo na'ng bagong taon At bakasakali, mayron pang mangyari Magbabago pa ang panahon
Kahit papano maiuuwi ko Sa pamamasyal Isang litrato ng kumukupas Na pagmamahal
Alang-alang sa ating kahapon Hintayin mo na'ng bagong taon At bakasakali, mayron pang mangyari Magbabago pa ang panahon
Happy New Year pag nagkataon |