<2:56>

Consuelo

 

Sa maghapong kayod kalabaw

Pagod na pagod ka't uhaw na uhaw

Ang lakas mo'y ubos na ubos

At sahod ay laging kapos na kapos

 

Kailangan mo ng consuelo, consuelo

Consuelo pagdating ng gabi

Kailangang makipagkwentuhan, huntahan

Sa tindahan diyan sa tabi

 

Sa ilalim ng mga bituin

Pantulak na awit, pulutang usapin

Sa tindahang munti ni Anding

Tambayan ni Cosme at Kapitan Fermin

 

Kailangan mo ng consuelo, consuelo

Consuelo pagdating ng gabi

Kailangang makipagkantahan, alaskahan

Sa tindahan diyan sa tabi

 

Pag nadadaig na ng antok

Ang kati at kirot ng kagat ng lamok

Tumatalab na ang bawat lagok

At nanunuot sa dibdib ang lungkot

 

Kailangan kita O Consuelo

Consuelo sa lamig ng gabi

Kailangan ko ng kalamay

Karamay sa tinapay..

 

Consuelo, consuelo, consuelo, consuelo

Consuelo, consuelo, consuelo

 

At mainit na kape