<3:58>

Halik sa Bisaya

 

Minsa'y may nagtanong

At walang nakaimik

Ang kanyang tinanong

Ay ano raw ang halik sa Bisaya

Ang alam ng isa

Bikolano at Mangyan

Ang alam ng iba

Ilokano, Ivatan at Ifugao

 

May alam sa Hapon

Sa Arabo at Intsik

Ngunit di matunton

Kung ano ba ang halik sa Bisaya

Napasubo tuloy

Ang mahilig magyabang

Kakukwentong ako'y

May dating sinisintang taga-Davao

 

Ako'y napainom

Di agad nakaimik

Nang ako'y tinanong

Kung ano raw ang halik sa Bisaya

Alam ko ang kulog

Ang kwadrado at bilog

Ang gising, ang tulog

Ang lamog at ang hinog at ang hilaw

 

Matagal-tagal nang

Di ako nakabalik

Ang masabi ko lang

Kung ano man ang halik sa Bisaya

Sigurado akong

Kung mayrong pananabik

Gaya ng sa Luzon

Masarap din ang halik sa Mindanao

 

Depende sa humahalik

Depende sa hahalikan

Depende sa humahalik

Depende sa hahalikan

 

Repeat from

Ako'y napainom..

 

E, ano ba ang halik sa Bisaya?

Lami pud

E yung kwadrado?

Iskwir