<2:47>

Kahit Ako'y Mahirap

 

Kahit ako'y mahirap lang

At ikaw ay mayaman

Kung may pagmamahalan

May paraan

 

Kahit ako'y isang dukha

At ikaw ay marangya

Magsakripisyo't magtyaga

Ako ay handa

 

Magtyatyaga ako sa aircon

At titira sa iyong mansyon

Nakahiga sa buong maghapon

Kahit ayoko ng ganun

 

Haaa haaa

Haaa haaa

Haaa haaa ha

 

Bagong damit, bagong relo

Bagong gupit linggo-linggo

Lahat ay pipilitin ko

Para sa iyo

 

Magballroom dancing at magdisco

Magdrive ng BMW

Lahat ay kakayanin ko

Para sa iyo

 

Magtyatyaga ako sa Hongkong

Kung gusto mong magbakasyon

Magtitiis ako sa London

Kahit na ayaw ko doon

 

Haaa haaa

Haaa haaa

Haaa haaa ha