<7:16>

                     Introduction to Hierarchism Part Two:

Hierarchic Projection The Development of Social Superstructures

 

#11  Synthesis

 

Dun daw sa isang job interview sabi,

 

Ano ba ang iyong church background? 

Ahm.. Mountain and river po.

Humh?  E, ano nga po pala natapos nyo? 

Katatapos ko lang po maglaba.

Mwehehe

 

     Kung pasisimplehin natin, ang social superstructures ay makikita natin sa ating biodata:  Pangalan, pinag-aralan, tirahan at trabaho.  Name, education, residence, occupation.  Taxonomy, Pedagogy, Communities, Institutions. 

 

     At ang mga ito ay magkaka-conchaba.  At yung mga may pangalan ay siyang nagdidikta ng mga patakaran, na siya ring nagmamando ng mga komunidad, na siya ring nasa poder ng mga institusyon.  Kaya nga sabi E, papano mo isusumbong yung mga tiwali, e sila rin naman ang pagsusumbungan?

 

     There’s no mystery in Hierarchism, it’s all self-preservation:  It refers to itself in taxonomy, replicates itself in pedagogy, reinvents itself in communities, and reinforces its stronghold in public institutions.

 

     At ang mga superstructures ay para ring mga organisms na nag-e-evolve sa kumpas ng so-called social progress.  Kaya nga ang mga simbahan ay hindi na lang nasa church buildings kundi nasa radyo, TV at shopping malls.  Ang mga friends ay hindi na lang classmates kundi mga chatmates at textmates sa kung saan-saang sulok ng daigdig.  Ang mga telenovela na paborito ng mga Pilipino ay gawa sa Korea, at galing naman sa Pilipinas ang pinapalabas sa IndonesiaMay mas jologs pa pala sa atin, hehe.

 

     Nagkakamali tayo kung inaakala natin na tahasang magbabago ang lipunan sa ating kapanahunan.  Again, life is simple but it's not that simple.  Ang daming mapanlinlang na mukha ng Hierarchism: identitism, globalism, statism, parochialism, personalism, careerism,

 

     Individualism - Wala namang masama sa good quality education, pero kailangan ba talagang i-advertise ng values-oriented schools na GIVE YOUR CHILD AN EDGE?  Good values na pala yung makalamang.

 

     Nationalism - Now this may be hard to take, kasi magmula pa sa Grade One tinuturuan tayo na mahalin ang ating bayan.  At magandang aral din naman yun. But how many times have we heard it said, my country right or wrong, my party right or wrong, my fraternity right or wrong.

 

     National interest, national survival, national security, national pride.  Its the new-improved all-purpose alibi.  Kaya nga ganun na lang ka-mapagsamantala at mapang-alipusta ang mga Amerikano sa ibang bansa kasi nationalist sila.

 

     Sabi nga ng lyrics ni Tim Rice, Fools you have no perception, the stakes we are gambling are frighteningly high; we must crush him completely, for the sake of the nation, take note, for the sake of the nation, this Jesus must die!  Even the Christian God was murdered in the name of nationalism.

 

     Kung talagang totoong naghahangad tayo ng totohanang pagbabago, dapat wala tayong sinasanto.  Assume nothing, question everything.  Raise hell!  Ang daming mahuhusay na kababaihan na naglilingkod sa simbahan, tapos hindi pwede ang women priests?  Ang daming magagaling na walang formal education, tapos ire-require mo masteral and doctorate degree!  Ang daming matitinong kadre, pero may masa ba sa pulitburo at central committee? 

 

     And that’s how we change society?  By creating layers upon layers of inner circles and higher organs?  And you call that Socialism?  That’s plain medieval Gnosticism!  And don’t ask me what that means, ehehe.

 

     As you can see, very sophisticated, very subtle ang monster na ito.  Kung ang atin lang panlaban ay puro slogans, mangangamote tayo.  Ang daming pretenses, ang daming balakid, ang daming kalaban. 

 

     May mga hindi alam; yun ngang iba hindi nila alam na hindi nila alam.  May malimali ang alam.  Pero ang pinakamasaklap sa lahat ay yung mga walang pakialam.  Huwag sanang tayo yun.  Kaya ang pangunahing panawagan ng Kaalagad ay Makialam.  Alamin, aralin, suriin, tukuyin ang tamang tugon.  At tugunan.

 

     Walang ibang gagawa nito kundi ikaw at ako.

 

     Nabubuhay tayo sa kasaysayan ng tunggalian ng biyaya at pinsala.  Pagmamataas at pagpapakumbaba.  Pakikikampi at pakikipaglaban.  Ang sabi nga, there is a time for war as well as a time for peace.

 

     What they don’t tell you is that these times happen everyday.  In and among ourselves; in the way we gauge each other, in the way we teach and learn, in the way we divide and subdivide, and in the way we institutionalize.

 

     Magkakambal ang hamon sa atin:

 

     Sa panahon ng payapa

     Pangalagaan ang kalikasan

     Ituring na pantay ang mga kakanyahan

     Mamuhay ng sapat sa ikagiginhawa ng lahat

     Kilalanin ang samutsaring mga paniniwala

 

     Sa panahon ng digma

     Pigilan ang pagsira sa kalikasan

     Labanan ang diskriminasyon sa kakanyahan

     Ibsan ang kalabisan at kakapusan

     Huwag hayaang hamakin ang mga paniniwala

 

     Mabilis lang noh, last na yung susunod. 

 

     Thank you so much for your time. ~~