<9:28>

                     Introduction to Hierarchism Part Two:

Hierarchic Projection The Development of Social Superstructures

 

#07  Taxonomy

 

Uuh, nandiyan pa pala kayo.  Hello, hellow, welcome to Part Two!

 

     For all its intellectual sounding ngok ngok, ang ibig lang naman talagang sabihin ng Superstructures ay human endeavor - ang mga pinagkaka-abalhan ng mga tao.  Tulad ng magtsismis, mag beauty contest, magnakaw sa gobyerno, mag-imbento ng viagra, mag-diet, mag-rally, mag-recruit ng downline, mag-memorize ng Lupang Hinirang, manood ng NBA, mag-segregate ng basura, mag tong-its, magpatule, at higit sa lahat, bumusina ng bumusina sa kalye.  Nakakarindi!

 

     Maliban na lang siguro kung may emergency, maging ang simpleng pagbubusina ay isang superstructure na projection ng mga substructures ng Kalikasan, Kakanyahan, Kabuhayan at Paniniwala.  Talaga??  Talaga! 

 

     May mga barumbado na busina nang busina pag nagmamaneho, kasi walang pagpapahalaga sa kalye, sa sasakyan, sa aso na tumatawid sa daan, at sa kaayusan at katahimikan ng kapaligiran.  Yung mga marahan o kaya di pa sanay mag drive, kalimitan pag babae o matanda na, binubusinahan at may pasaring pang Ang hina naman nito!

 

     Busina rin ng busina ang mga jeep at taxi dahil naghahabol ng oras at pressured na kumita.  At may busina rin ng busina sa paniniwala na mas mahalaga ang kanilang pupuntahan kaysa dun sa kanilang binubusinahan - all in the name of self-importance.

 

     In short, ang mga pinagkakaabalhan natin, or our human endeavors, or social superstructures, whether petty or profound, are manifestations of the four social substructures of Ecology, Economics, Birth and Person, and Beliefs. 

 

     Kumbaga sa Math, S' (prime) as the counterpart of S.  Kung ano ang turo ay siya rin ang tika, kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.  At kung ang mga substructures ay hierarchic o pataasan, ang mga superstructures din ay manifestations ng mga hierarchies na ito. 

 

     At may apat na klase ng Superstructures:  

 

     Taxonomy, Pedagogy, Communities and Institutions.

 

     Okay, so ano ba yung Taxonomy?  For our purposes, we will define it as the sociology of identification, classification and specification.  Dalawang pinaka-unang inventions yan ng tao: Pagbabansag at pagbibilang.  Names and numbers.  At sa names pa lang, naku! katakut-takot na ang pataasan. 

 

     His Excellency, Archbishop Dr. Winston Franklin Ukab-ukab Jr., MA, PhD, Mdiv, Obispus Episcopus, Propesor Emeritus, mga Pondos Hinocuspocus.

 

     On the surface, parang neutral ang pagbibigay ng pangalan.  Syempre pangalanan mo kasi nandiyan.  But not so.  Papangalanan mo lang ang mga bagay na may halaga para sa yo.  Di ba ang natatandaan lang natin ay yung mga pangalan ng mga taong importante para sa atin.  At ang hatian o hierarchy, of course, ay dun sa mga sinasabing may pangalan at duon sa walang pangalan. 

 

     Quite literally, ang report ng NSO ay may 2.5 million na mga bata ang hindi man lang naparehistro and therefore hindi entitled sa social services.  Nga pala, bago ka bigyan ng death certificate, kailangan mag produce ka muna ng birth certificate.  Paano na lang yun? 

 

     Ayon sa alamat ng mga Kristiyanos, ang pagbibigay ng pangalan ay isa sa mga unang pinagawa ng Diyos sa tao.

 

     Pinahilera niya ang mga hayop, at pinapangalanan ang mga ito sa tao.  Kaya ang tao ay minsan tinatawag na Namegiver.  Kung baka ka, baka ka; kung baboy ka, baboy ka.  Makibaka, huwag makibaboy!  Very crucial ang task na yan, as we are to be truthful and call a spade a spade, so to speak. 

 

     In other words, do not call political opportunism moral leadership, or electoral fraud values formation. And you only need to listen to our churchgoing and god-fearing Presidents to see how humanity has failed the Lord.

 

     Synonymous to name is recognition, and the preoccupation to be different and special and not like the rest.  Expressions nating lahat yan.  Ibahin mo ako sa kanila!  Ibang klase!  Iba ito!  A concert with a difference!  Lets make a difference!  ek ek.  Actually, tutuo naman yun, you are special, I am special.  Like everyone else.  Hindi nga lang natin sinasabi yung like everybody else.  Kasi hindi na tayo magmumukhang special nun.

 

     At kakambal ng pangalan ay ang pagbibilang.  Letters and numbers, words and counting.  At ang pinaka importanteng tanong diyan ay Nakailang bote ka na ba?  Na madalas namamali ang pagbibilang.  Beer is a by-product of farming.  Kaya sabi ng mga manginginum na anthropologists, para raw mabilang nila ang mga tapayan ng beer, gumawa ang mga tao ng mga stone markers na may guhit guhit to indicate quantity. 

 

     At naimbento ang numbers - thanks be to beer!  And with the use of numbers, na systematize ang pagsusukat.  Chalk is 40% yellow, wine is 12% alcohol, underarm odor is pH3 and below, pumupula ang damit na blue!

 

     But the crucial thing in numerics is the idea of more and less.  2 is greater than 1.  And the sense of greater and lesser, of superiority, overwhelmed humans.  Kahit anong category pa yan basta mas ako.  Hindi pare, mas gago ako sa iyo!  Pathetic.

 

     And there’s your two basic building proteins in the genesis of the hierarchy in social taxonomy:  Ang iba at ang mas.  Think about it.  Is there really a need to say the human brain is superior kaysa ibang animals?  We don’t even know that for sure, kasi kung ganun nga, e bakit pinakadestructive ang impact ng humans sa ecosystem?  And that’s considered superior intelligence?  Isn’t it enough to say our brain is quite fascinating.  At sa halip na sabihing Mas maganda sya kaysa dun sa isa, di ba akma at sapat na ang sabihing Gandang-ganda ako sa kanya! .. tsaka.. ako nga pala tatay nya.

 

     Madalas nating marinig yung Nakuh yang yaman ni Velarde? Wala yan sa yaman ni Pidal!  Pinagmamalaki pa natin yung dapat ikahiya, mayaman sa gitna ng napakaraming naghihirap.  At pag nagrally naman ang mga religious groups at aktibista, laging nagyayabang ng Mas marami kami kaysa kanila!  Di ba sapat nang marinig na marami ang sumama at nakiisa kaya effective ang mobilisasyon.

 

     Simpleng-simple lang ang ating unang mensahe:  Sa abot sana ng ating makakayanan, as much as we can possibly manage, in the language of names, numbers and social tables of weights and measures:

 

     Identify, not stratify.

     Describe, not discriminate.

 

     Thank you for your time. ~~