<4:32>
Sa Piling Mo
Sung by Terry Javier
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Sa piling mo ako'y mahihimbing
Sa ugoy ng kalinga mo sa akin
Ang araw-araw kong mga pasanin
Dagling lisanin sa piling mo
Sa piling mo ako'y magigising
Sa init ng pag-ibig mo sa akin
Dusang wari'y gabing di maiwasan
Malulunasan sa piling mo
Sa piling mo
Ang buong maghapong kayganda
At di maitagong kaysaya
Sa tuwina'y siya kong nadarama
Sa piling mo
Ang magdamag ay may bituin
At may liwanag sa dilim
Laging panatag ang damdamin
Sa piling mo ako'y mahihimbing..
Sa piling mo..
Sa piling mo ako'y magigising
Sa init ng pag-ibig mo sa akin
Ang puso't kaluluwa'y
Payapang hihimlay
Matatangay ang buhay kong lubos
Sa piling mo, Panginoong Hesus
Sa piling mo, Panginoong Hesus