<7:52>

06.Madaling-araw Na

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Madaling-araw na

Isip mo'y malalim-lalim
Kalagitnaan na

Ng liwanag at dilim
Bakit kailangan pang

Ika'y pumasok sa silid
Gayung yaong pinto'y

Matagal ng nakapinid
Sa iyong dibdib

 

Di mo makapa

Ang iyong nararamdaman
Hindi lungkot, hindi saya
Hindi bagot, hindi naman

Din balisa
Isipin mo na lang

Na lahat ng nilalang
Nahihimlay, nahihimbing
At nananaginip ng

Nag-iisa

 

Walang nagsusulat

Dahil walang nagbabasa
Walang bumabagsak

Dahil walang pumapasa
Sa bawat bagong

Iyong natutuklasan
Ika'y natututong

Kayrami-rami pa palang
Di mo alam

 

Di mo makapa..

 

Sa babaw ng mundo

Kung ibig mong magtampisaw
Maraming kasundo

At kasabay sa iyong galaw
Ngunit ang wika

Nagbabago'ng kahulugan
Sa dalas ng bigkas

Unti-unting nawawalang
Kabuluhan