<4:44>

01.Once Upon a Tune

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Sampung mga daliri

Panay malilikot

Nangangalabit, nandidikta

At nangungurakot

 

Matatalas na ngipin

Ng pulitiko

Luho, bisyo, pati tinga

Pera ng publiko

 

Bahay kubo nang tumakbo

Ay naging palasyo nang nakaupo

Sugal at inom, sigarilyo't babae

Libreng personal na grocery

 

Bahay tubo, Malakanyang

Ang negosyo roon ay sarisari

Expert, consultant, adviser at media

Sa palibot-libot ay maraming tanga

 

Kandidatong bobo

Lumipad sa langit

Di ko na nakita

Buhat nang ma-elect

 

Sayang ang boto kong

Mura lang ang benta

Nag-enjoy pa sana

Doon sa artista

 

My nephew, my niece

My brother and sis

My nephew, my niece

My brother and sis

My nephew, my niece

My brother and sis

Are all political appointees

 

Doon po sa amin

Libreng pagamutan

Alay ni Congressman

Sa may kapansanan

 

Nabingi ang bulag

Nabulag ang pipi

Napipi ang pilay

Napilay ang bingi

 

Waldas na hands

Gastos left and right

Public servant na very bright

Clap them softly

One, two, three

Na wan-tu-tri ang botante

 

Kapag ang taongbayan

Ay may problema

Dalawang tenga, dalawang mata

Laging nakasara

 

Walang kahirap-hirap

Kamay at paa

Dilang maliit nagsasabing

Ganda ng rekord niya