<2:38>

Kahit Ano'ng Mangyari

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Kahit ang lupa ay sumusuko sa init ng tag-araw

Sinag ng tala ma’y nadadako rin sa pamamanglaw

Ang alaala ay lumilipas at naibabaon

Kulay ay kumukupas sa agos ng panahon

 

Ngunit kahit na ano’ng mangyari

Kung mayrong pagmamahal

Pag-ibig ang siyang maghahari

Kaya [Sinta’y] magtatagal

 

Kahit sa dulo ng bahaghari ikaw at ako’y dalhin

Kahit ano’ng mangyari, ikaw ay mamahalin

 

Kahit na ano’ng mangyari

Kung mayrong pagmamahal

Pag-ibig ang siyang maghahari

Sinta’y magtatagal

 

Harinawa, harimanawari ikaw at ako pa rin

Kahit ano’ng mangyari, ikaw ay mamahalin

Kahit ano’ng mangyari, kahit ano’ng mangyari

Kahit ano’ng mangyari, ikaw ay mamahalin