|
<2:36> Panata't Pag-ibig
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Ang ating pagsinta’y wala sa kalawakan Ako ay di araw, ikaw ay di ang buwan Ang ating pag-ibig wala sa alapaap Di sa himpapawid at mga ulap
Sa gitna ng agam-agam Sa piling ng pangangamba Kakambal ng kasaysayan Itong ating pagsinta Ang pagsubok at panganib Sa panahon na ligalig Ang siyang magpapanday sa ating Panata’t pag-ibig
Ikaw ay apoy at ako ay hangin Alab at lamig sa liwanag at dilim Tayo’y mga punong matayog ang pangarap Ngunit sa lupa’y laging nakaugat
O, pawis at dugo Ang magpapalago Sa ating pagsuyo
ALTERNATE TEXT TO UNDERLINED: Ako ay lupa at ikaw ay dagat Ang alon mo’t ugma sagana ko’t salat Tayo’y mga ilog, sa pakikibaka galing At ang magbubuklod pakikibaka rin
O, sa paglalakbay Sana tayo ay Tatandang sabay
Sa gitna ng katanungan Kung wasto at kung mali Laging may maaasahan Laging may katunggali Ang mga tula at himig Ng minimithi nating daigdig Ang siyang magpapanday sa ating Panata’t pag-ibig |