<3:05>

Kasama

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Siya’y aking kapiling sa kabiguan at tagumpay

Sa kanyang piling ako ay nahihimlay

Nakakaunawa sa aking pagkukulang

Nakakahawa ang kanyang kagandahan

 

Ngunit di lang siya kaibigan

Di lang siya kapatid

Di lang kasintahan o kaisang-dibdib

Di lang siya asawa o inang uliran

Siya’y aking kasama

Sa mapagpalayang kilusan

 

Pinakaiibig, pinakamamahal

Sa aming pag-ibig ang lahat isusugal

Ang aming pangako hanggang kamatayan

Saan man dumako ang kasaysayan

 

Dahil di lang siya kaibigan

Di lang siya kapatid

Di lang kasintahan o kaisang-dibdib

Di lang siya asawa o inang uliran

Siya’y aking kasama

Sa mapagpalayang kilusan

 

Siya’y aking kasama sa pagpapalaya ng bayan