|
<3:31> Iisa
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Minsa’y nasanay na ng nasanay Sa konting konswelong aliw Sa dinamidaming pasikutsikot ng buhay Napakadaling mabaliw Kung ikaw ay nanlalamig Ako ay nakikinig at nakakaintindi At sa hibang na daigdig ay mayron kang kakampi
Ang pangarap mo’y pangarap ko Ang pasanin mo’y pasanin ko Ang damdamin mo’y damdamin ko sinta Ang kalayaan mo’y kalayaan ko Ang digmaan mo’y digmaan ko Buhay mo at buhay ko’y iisa
At kung ang karamihan ng buhay Pakikipagsapalaran Nakataya ang pag-ibig kong tunay Sa lahat ng labanan Kahit ano’ng daratnan Hindi pagsisisihan, ako ay naririto Sa kaduloduluhan handang sumama sa iyo
Ang pangarap mo’y pangarap ko Ang pasanin mo’y pasanin ko Ang damdamin mo’y damdamin ko sinta Ang kalayaan mo’y kalayaan ko Ang digmaan mo’y digmaan ko Buhay mo at buhay ko’y iisa Buhay mo at buhay ko’y iisa |