|
<3:33> Pag-ibig Lang
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Ako ang dulo at ikaw ang umpisa Dal’wa ang dako ng landas nating dal’wa Ika’y apoy, ako ay tubig Duda ko’y iyong pananalig Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba
Ako’y maghapon at ikaw ay magdamag Ika’y matapang kung saan ako duwag Ang iyong huli ay aking una Madali mo’y di ko kaya At ang aking sige ay siya mong huwag
At pag tayo’y nag-uusap, parang lupa’t alapaap Nagtatalo ang sigaw at ang bulong Sala sa ikli at haba, parang timog at hilaga Di mahuhulaan kung saan hahantong
Bakit hanggang ngayon tayo ay narito At may kutob akong kapwa natin gusto Paano mo maipaliwanag kung paano di natitinag At pagkakaiba ay di naging hadlang Dahil kaya pag magkasama’y masaya May kaagapay o kaya, baka naman pag-ibig lang
At pag tayo’y nag-uusap, parang lupa’t alapaap Nagtatalo ang sigaw at ang bulong Ang hindi ko mahagilap ang iyong laging nahahanap Sa isa’t isa ang isa’t isa’y bugtong
Minsan tuloy nalilingat, natatangay Sa piling mo’y wari lahat mayrong saysay Paano mo maipaliwanag kung paano di natitinag At pagkakaiba ay di naging hadlang Dahil kaya pag magkasama’y masaya May kaagapay o kaya, baka naman pag-ibig lang |