|
<1:44> Lahat
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Ang nalalabing buhay dito sa daigdig Ang siyang magpapatunay sa iyong maririnig At ang tanging dalangin sana’y laging tapat Anumang maging akin, yan ay iyong lahat
Lahat ng paano, lahat ng saan Lahat ng gaano at ng kalian Ang bawat bakit may pagkukulang Ulan at init ma’y di hadlang
Sa pag-aalinlangan at pagiging tiyak Sa pangangailangan at biyayang sapat Pagbabakasakali, minsa’y mabibigo Ngunit mananatili, pagsinta’y lalago
Sa karamdaman at sa lakas Hanggang sa paghinga’y magwawakas Walang patakaran ang aking pagtanggap Iniibig kitang ikaw lahat |