<2:54>

Ginto

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Banatin pa ma’y di mapapatid

Ang tanikala’y minsan pang daig

Kahit igiling mananatiling ginto

 

Nariyang ibilad, tunawin kaya

Lalong titingkad, lalong gaganda

Kap’rasong patak, kaygarang gayak

Ginto

 

Ginto kong laan sa iyo’t sa iyo lang

Ang puso’y buksang pinto

Pagniniigin, pagdadaluyin

Pag-iisahing ginto

 

Itago mo man, limutin kaya

Matatagpuan, magugunita

Saglit mong sulyap, muling kikislap

Ginto

 

Ginto mong laan sa aki’t sa akin lang

Ang puso’y buksang pinto

pagniniigin, pagdadaluyin

Pag-iisahing ginto

 

Itago mo man, limutin kaya

Matatagpuan, magugunita

Saglit mong sulyap, muling kikislap

Ginto

 

Huwag sanang masiphayo

Huwag sanang mabigo

Wagas at lantay

Pag-ibig ko ay ginto