|
<3:12> Isa
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Kagaya ng bituing sabay nang nilikha Subalit may kanikaniyang landas At kahit pa gawing pareho’ng simula Sadyang magkakaiba’t ibang wakas
Ngunit sa pag-ibig na mula sa Maykapal Kahit na sila’y magkaiba Kung may pananalig at pagmamahal Ang dalawa’y maging isa
Minsa’y tinakdang sila’y magkatagpong minsan Hawak niyang pag-isahin ang panahon Kahit na sila’y nagkalihis man ng daan Minsan ding pagsangahin ang dito at doon
Kagaya ng ilog, sila ay bubukod Sa sintang ama't ina At ang magsing-irog ay magbubuklod Para sa isa't isa
Minsa’y tinakdang sila’y magkatagpong minsan Hawak niyang pag-isahin ang panahon Ang pinag-isang mga buhay ng Maylalang Huwag nawang pagwalayin ng pagkakataon
Hindi man matanto, hindi man matalos Sa isang munting pasya Sa harap ng tao at harap ng Dios Ang isa’t isa’y magiging iisa Ang isa’t isa’y isa |