<2:07>

Maranatha

(The Lord has come)

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PLUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PIANO ONLY, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Gagawing sudsod ang kanilang mga tabak

Gagawing karit ang kanilang mga sibat

Mawawala na ang mga digmaan

Di na maghahanda sa paglalaban

 

Maranatha, maranatha

Kami’y nanghahawakan

Sa iyong palatuntunan

Maranatha, maranatha

Isasakatuparan

Sa iyong kapanahunan

 

Sila’y mananahan sa kanilang tinatayo

Sila na’ng kakain sa kanilang binabayo

Bawat isa’y sisilong na sa lilim

Sa lilim ng kanikaniyang tinanim

 

Maranatha, maranatha

Ikaw ang aming tibay

Ikaw ang pamantayan

Maranatha, maranatha

Handa ang aming buhay

Handa ang iyong sambayan

 

Hindi na maghahari ang dahas

Kapayapaan mo’y walang wakas

Hindi na maghahari ang dahas

Kapayapaan mo’y walang wakas

Maranatha, maranatha