|
<2:47> Bago
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET TO DOWNLOAD PLUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET TO DOWNLOAD PIANO ONLY, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Kalagin ang gapos ng nakaraan Buhay ay ilaan Upang tahakin ang bagong daan Paliku-likong landas Tinuwid na ng Mesias At ang bagong lupa’t langit ay bukas
May isang husto ang isip Bagong habi ay ginamit Upang itagpi sa punit Ng lumang damit May isang sapat sa gulang Bagong alak nang sinalang Ay isang lumang tapayan Ang pinaglagyan
Palitan na ang lumang kalakaran Mga patakarang Pamatok ng relihiyong pasan Palabas na pambanal Seremonyas at ritwal Sa halip ay katarungan at dangal
May isang husto ang isip..
Kung noon ang naghahari ay galit Ngayon ang kapalit Pakikitungong di mapagkait Pagkakaugnay-ugnay Pagkakapantay-pantay Bagong araw, bagong sisidlang gabay Bagong buwan, bagong tipan, bagong buhay |