<2:42>

Halina

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PLUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PIANO ONLY, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Siya ang tinapay ng napapasal

Ang kaagapay ng napapagal

Sa pagkaligalig siyang ating takbuhan

Ang kapanalig at kapahingahan

Halina, halina’t ating papurihan

Si Yawe na ating Dios

 

Ang tagaakay ng naliligaw

Tubig ng buhay sa nauuhaw

Ang takot sa diwa’y kanyang gagapiin

Ang pagod at luha’y kanyang papawiin

Halina, halina’t ating luwalhatiin

Si Yawe na ating Dios

 

Siya ang silungan ng masang takwil

Ang katarungan ng nasisiil

Siya ang pag-asa sa pagkagupiling

Ang magpapalaya sa pagkaalipin

Halina, halina’t purihin, purihin

Si Yawe na ating Dios

 

Ang kayamanan ng uring dukha

Ang kaligtasan ng sangnilikha

Ang nagpapatawad sa nagkakasala

Siya ang gagawad sa nagtitiwala

Halina, halina sa tanging dakila

Si Yawe na ating Dios