<3:03>

Tatlong Bagay

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PLUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PIANO ONLY, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Tatlong bagay ang mananatili

Tatlong bagay ang malalabi

Ang sa tuwina’y siyang ipahiwatig

Pananalig, pag-asa’t pag-ibig

 

Anuman ang ating sinasabi

Iniisip at ginagawa

Siyasatin lagi ang sarili

At suriin ang puso’t kaluluwa

 

Ang munting pananampalataya

Lumago ba’t nagbunga ng gawa

Nakapagbigay ba ng pag-asa

At pagmamahal ba’y naipadama

 

Kayamana’y di mananatili

Kalakasa’y di malalabi

Karangalang tanging pansarili

Sa malaong panaho’y walang silbi

 

Pananalig, pag-asa at pag-ibig

Natatangi’t di pansamantala

Ang sa tuwina’y siyang ikasigasig

Tatlong bagay na di nalalanta

 

Ang munting pananampalataya..

 

Tatlong bagay ang mananatili..