<2:36>

Rehas

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PLUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PIANO ONLY, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Rehas ang bawat bukangliwayway

Mula sa pagdilat hanggang paghimlay

Ika’y sa galaw ng madla sasabay

Landas man ay rehas ng paglalakbay

 

Rehas ang awit, pader ang tula

Selda ang tila magarang dula

Pagkahabahaba ng tanikala

Bihag, kailan ka makakawala

 

Yaman ay rehas ng paghahanda

Rehas ang oras sa iyong pagtanda

Laksang tagumpay walang mapapala

Rehas ang buhay kung siya ay wala

 

Minsan nakatali ang asong hangal

Ikut ng ikut hanggang masakal

Huwag kang ngumiti at huwag kang matuwa

Gapos ka rin ng sariling gawa

 

Yaman ay rehas ng paghahanda

Rehas ang oras sa iyong pagtanda

Laksang tagumpay walang mapapala

Rehas ang buhay kung siya ay wala