<2:28>

Misyon

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PLUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

TO DOWNLOAD PIANO ONLY, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Hangga’t may isang nagugutom

Hangga’t may isang nauuhaw

Hangga’t mayroong mga pusong

Nagdurusa’t namamanglaw

Hangga’t mayrong naaalipin

Sa layaw ay nalululong

Tayo ay mayrong gawain

Tayo ay mayrong misyon

 

Hangga’t may isang naulila

Hangga’t may isang nakapiit

May kapansana’t napinsala

Naging balo’t nagkasakit

Hangga’t may isip at damdaming

Naghahagilap ng tugon

Tayo ay mayrong gawain

Tayo ay mayrong misyon

 

Hangga’t ang kanyang katarungan

Pagpapala at pagmamahal

Mangyari sa sandaigdigan

At pangalan niya’y itanghal

Hangga’t may luhang papahirin

Hangga’t may pagkakataon

Tayo ay mayrong gawain

Tayo ay mayrong misyon