|
Basurero ng Luneta
RIGHT CLICK HERE AND SAVE TARGET TO DOWNLOAD ALL TEN PIECES IN ONE ZIPPED FILE (SIZE: 35 MB)
01 Emcee 2009 03 Natutunan sa Buhay 2008 04 Isang Araw 2009 05 Pablong Propitaryo 1990/2009 06 O Kaysarap 1992/2009 07 Tulad ng Dati 2009 09 Buti na Lang 2005 10 Maco 2009
|
|
50 years old na po ako, 33 years nang musikero, di pa rin naging rock star. Panahon nang maghagilap ng bagong career. Yamang ito na po ang huli kong album, hayaan nyong samantalahin ko na ang pagkakataon para magpasalamat sa aking mga ilang dosena ring mga fans. Bilang ganti, nangako ako sa sarili ko na gumawa ng munting “graduation” album na ubod nang ganda hehe, at nang sa ganun mapamanahan ko mang lang kayo ng harinawa’y kasisiyahan ninyo nang matagal. Para naman sa mga bagong biktima na ngayon pa lang ako nakadaupalad, at magustuhan ang album na ito, marami pa po akong mga albums na nakatitiyak akong kagigiliwan nyo rin hehe.
Suggest ko pala: Gary Granada Live Saranggola sa Ulan Sino ka ba Jose Rizal, A Musical LEAN, A Filipino Musical Invitation to a Chapel Wedding Children's Songs for Peace Education
Sa album na ito ay may isang kantang anthem ng isang maliit na bayan. Laking tuwa ko at pasalamat sa pagkakataong ito. Baka nga ito na lang muna ang kontribusyon ko sa daigdig ng musika, tagagawa ng mga anthems ng mga munisipyo, eskwelahan atbp. Higit sa lahat, pasasalamat sa Poong Maylikha sa napakagarang regalo niya sa akin. Sulit na sulit ang buhay ko, lalo na sa pagsusulat ng mga kanta na walang nagdidikta.
Bass:
Butch Antonio
Maco:
|