|
<4:43>
Tulad ng Dati
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE &
SAVE TARGET
Tuwing
nagkikita
ang mga kaeskwela ko noon
Ano’ng balita?
malimit na tinatanong
Bungad parati
ng magkakaibigan na tapat
Tulad ng dati
magbago man lahat
Di maiwasang
sulitin ang karanasan
Kung pwede nga lang
ulitin ang nakaraan
Isa pang tagay
sa ngalan ng naririto
Bilang papugay
sa mga di makadalo
Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin
Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin
Ba’t ang tindera
parang hindi tumatanda
Gandang dalaga,
anak pala na kamukha
At ang binata
na dating siga na maton
Nag-aalaga
na
ng bata ngayon
Ang mga utang
nakikibagay sa bilbil
Buti na lang
malalaki na’ng traysikel
Konting buyo
lahat ay napapakanta
Sa lumang biro
kami pa ri’y natatawa
Tulad ng dati, tulad ng dati..
Dating sakahan
ay nagmistulang parang
Ang dating parang
ay sementado nang daan
Ang dating daan
isang simbahan na ngayon
At ang simbahan
isa na lang relihiyon
Sino’ng hahatol
sa nagdaang mga taon
Ang bagong sibol
sa darating na panahon
Alam ko ring
sa kanilang henerasyon
Ay ituturing
na
dati ang ngayon
Tulad ng dati, tulad ng dati..
Ang dating dagat
dagat-dagatan na ngayon
Ang dating
gubat,
alam nyo ba kung ano yun?
Ang dating batis
na siyang tipanan namin noon
sa may libis
naging mababaw na balon
Ang aking diwa,
buto’t balat lumulundo
Ang kaysariwa
at kaysigla’t punong-puno
kong daigdig
ay dambuhala nang puwang
Ang dating pag-ibig
alaala na lang
Tulad ng dati, tulad ng dati..
|