<3:47>

 

O Kaysarap

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

O kaysarap! O kaysarap!
O kaysarap sarap!
O kaysarap! O kaysarap!
O kaysarap sarap!



O kaysarap mabuhay
Sa lupang hinirang
O kaydaling mabuhay
Dito sa ating bayan



Murang-mura ang bilihin
Sweldo’y kaylaki
Ang lahat ng iyong naisin
Iyong mabibili
Murang-mura ang kuryente
Sagana sa tubig
Ang gamot ay halos libre
Kaya ang bukambibig ko’y

 

O kaysarap mabuhay..



O kaysarap! O kaysarap!..



Hindi tumatanggap ng lagay
Ang mga pulis
Ang rekord ng ating militar, ayy!
Kay linis-linis
Kaybilis pa ng serbisyo
Ng pamahalaan
Walang kamag-anak-kamag-anak dito
Sa ating bayan, kaya



O kaysarap! O kaysarap!..



Makikita mo sa TV
Mapapanood mo pa sa sine
Ang lahat ay nakangisi
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad



Mababasa nyo sa dyaryo
Maririnig nyo rin sa radyo
Ang galing ng ating gobyerno
Ang bayang Pilipinas
Paunlad ng paunlad



Yehey
Ramdam na ramdam
One more time



O kaysarap! O kaysarap!..