|
<4:35>
Pablong Propitaryo
Poem by Tom Agulto
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE &
SAVE TARGET
At tinawag
siyang Pablong Propitaryo
Kaiga-igaya ang buhay sa mundo
Alkaldeng ni
minsan ay hindi natalo
Nuno siya ng
yaman, isang pulitiko
Dagsa ang tauhan na tapat sa kanya
Maraming alalay saan man pumunta
Daming pag-aari at walang kapara
Bukid,
palaisdaan na ekta-ektarya
Ungkatin ang
kanyang nagawa sa bayan
Limos sa dukha’t abuloy sa patay
Tulay, irigasyon, mga pamilihan
Ay nangapatayo sa kanyang pangalan
Balana’y humanga’t sa kanya’y pumuri
May nangingimbulo’t pumipintakasi
Ngunit propitaryo’y biglang nangunsumi
Sa di karaniwa’t biglang pangyayari
Bantay palaisdaa’t kasama sa bukid
Humugos sa kanyang palasyong matarik
“Amo po’y pagbigyan yaring ihihibik,
Taasan po’ng parti naming maliliit..”
Tenga ni Pablo’y dagling nakulili
Nanlisik ang
mata, nanduro’ng daliri
“Bakit umaangal
sa inyong kahati?
Sa batas ko’y
sino ang makababali!”
Pablo, mag-isip-isip ka Pablo
Ang iyong mga atraso
Babalik at babalik sa iyo
[Pablo], mag-isip-isip ka Pablo
Ang iyong pang-aabuso
Babalik at babalik, babalik at babalik
Babalik at babalik sa iyo
Umuwing tigagal ang mga tauhan
Sa sagot ng among hindi inaasahan
“Sumpa ng
tadhana, abang kapalaran
Nating
mahihirap ay nilalabusaw!”
Hanggang
minsa’y parang apoy na kumalat
Balitang Pablo’y binaril at sukat
Tingga ay naglagos sa dibdib, sa utak
Sinong walang puso kaya ang umutas
At ang buong baya’y mangyaring nalagim
Bata’t matanda’y panaho’y nanimdim
Nang Pablo’y iburol sambuwang binimbin
Daming nakiramay, daming nakikain
Pablo, mag-isip-isip ka Pablo..
|