<3:42>

 

San Simon

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Ang buhay sa lupa kayraming bagahe
Nababahala ang tao palagi

Naghahanda, bakasakali
Na mayron ngang
Mundong walang hanggan



Ibig ko sanang ipamalita
Ang mahiwagang bayang nakita
Kung saan tanaw ang kalawakan
Ang haring araw, ang dagat at ang buwan

 

San Simon, San Simon
San Simon, San Simon
San Simon, San Simon, San Simon



Dito sa lupa ako’y isang mortal

Lakas ay huhupa, laman ay napapagal
Ngunit ang diwa, kahit hindi gagap

Ibig lumaya, lumaya nang ganap



Hinahanaphanap kapahingahan
Kung saan laganap ang kabutihan

Kung saan tanaw ang magpakailanman
Ang haring araw, ang dagat at ang buwan



San Simon, San Simon..



Buhay ay di nga ba sapat
Hangga’t hindi nasusukat ang lahat



Dito sa lupa, kayraming naliligaw

Nagkandarapa, nababalahaw

Katatanaw kung saan ang hantungan
Ng haring araw, ng dagat at ng buwan