|
<2:55>
Emcee
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE &
SAVE TARGET
At para
ipakilala
Ang ating emcee ngayong gabi
Narito ang isang mama
Na poging-pogi
Beterano sa mga kasalan,
Pista at pasko
Basta’t may handaan
Kahit hindi imbitado
Ang kilabot ng entablado,
Walang iba kundi.. ako!
Kung nayayamot kayo sa buhay
Ako ang gagamot sa inyong lumbay
Ang abang
lingkod nyo’y nagpupugay
Wala ba kayong
mga kamay?
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
Ang magtatanghal ay salubungin
Ng masisigabong palakpak
At mararangal na panauhin
Ng dumadagundong pitong bagsak
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
Isa pa pong
maalab na pagbati
Sa ating guest speaker na suki
Iniimbitahan
palagi, sa muli’t muli
Dahil pag
nagtalumpati ay maikli
Sa masusukal na baryong
Sabik sa pa-raffle at patimpalak
At sandamukal na kwentong
Pampatawa’t
pampaiyak
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
And the next number
Of our program is
A song by Gary Granada
Ako rin po yun..
|