|
<1:33>
Kamag-anak
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE &
SAVE TARGET
Sa bayan ng
lola’t lolo kami minsa’y nagbakasyon
Nakadaupangpalad ko ang kadugo’t karelasyon
Biyenan ang turing ni tatay dun sa nanay ni nanay
Na ang tawag ay balae dun sa tatay ni tatay
Tsiki-tsiki-tsing, tsiki-tsiki-tsing..
Mga kapatid ni ina ay tiyahi’t tiyuhin ko raw
Ngunit ayon kay ama ay mga hipag niya’t bayaw
Kala ko nanloloko, lolo niya ang lolo ko
Sabay nagmano sa noo, kami pala’y pinsang buo
Tsiki-tsiki-tsing, tsiki-tsiki-tsing..
Ya’y unang araw pa lang sa nayon ng ninuno ko
Ang aming angkan hanggang tuhod, talampakan at kuko
Nang kami na’y pabalik isang libo ang humalik
Dahil kamag-anak ko halos ang buong baryo
|